-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Ni-relieve sa puwesto ang hepe ng pulisya sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur dahil sa alegasyong panunutok ng armas.
Ayon kay Agusan Del Sur Police Provincial Office Director PLtCol. June Milan, nasa Office of the Provincial Director na si Police Capt. Julius Vallejo matapos inireklamong nanunutok ng armas ang isang bisita ng kanyang tauhan.
Sa ngayo’y nasa Provincial Investigation and Detection Unit na ng kanilang police provincial office ang suspetsado habang ang Bunawan Municipal Police Station ay temporaryo namang pinamumunuan ng kanilang municipal executive senior police officer.
Dagdag pa ni Milan, base sa alegasyon, may kaugnayan umano sa isang babae at patuloy pang inalam ang kabuu-ang kaganapan sa naturang pangyayri.