-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbabala ang National Police Commission (Napolcom) sa hepe ng Police Station 1 ng Iloilo City Police Office na nakikisawsaw umano sa kaso ng pulis na nagsangla ng service firearm at ginamit sa pagpatay sa Chinese na negosyante sa Iznart St., Iloilo City Proper.

Ito ay matapos sinabi ni PMaj. Mark Ivan Salvo, station commander ng Iloilo City Police Station 1 na hindi na sila magsasampa ng kaso kriminal laban kay PCpl. Val Allan Lisay, miyembro ng Mandirigmang Mang-aawit ng Police Regional Office 6 sa dahilan na wala ito sa lugar kung kailan nangyari ang krimen at wala itong intensyon na ipagamit sa suspek na si Andy Mahinay alias Hapon ang kanyang baril upang patay ang biktima na si Willie Sy, negosyante ng fashion accessories noong Nobyembre 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atyy. Joseph Celiz, regional director ng Napolcom-Region 6, sinabi nito na wala sa posisyon ang nasabing hepe sa pagdesisyon hinggil sa kaso dahil hindi ito fiscal o hukom.

Ayon kay Celiz, hindi dapat tumayo na parang abugado ito ni Salvo dahil bilang pulis, nararapat na wala itong kinakatigan.

Una rito, nagtugma sa cross-matching at ballistic examination ang 9mm service firearm na ginamit sa pagpatay ng suspek sa negosyante ng fashion accessories.