-- Advertisements --
Nova Princess parojinog
Jigger

Suportado ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasampa ng Women and Children’s Protection Center (WCPC) ng kaso laban sa hepe ng PNP Custodial Center na si Lt. Col. Jigger Noceda.

Ito ay kaugnay ng reklamo ni dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog na minolestya umano siya ng opisyal ng ilang beses habang nakadetine sa PNP Custodial Center.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Ysmael Yu, isinampa ng WCPC ang kaso laban kay Noceda sa Quezon City Prosecutor’s office nitong Miyerkules October 7, 2020.

Sinabi ni Yu, na hihintayin nila ang proseso ng imbestigasyon para magkaroon ng mas malinaw na pananaw sa insidente.

vice mayor nova princess parojinog
Nova Princess Parojinog

Sa ngayon aniya ay nasa restrictive custody na ang director ng Headquarters Support Service na si Noceda alinsunod sa patakaran ng PNP.

Matatandaan si Parojinog ay naaresto sa isang raid noong taong 2017 kung saan ang kaniyang ama na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog ay nasawi at ikinulong sa Camp Crame Custodial Center.