-- Advertisements --

Patay ang isang police superintendent matapos tambangan kaninang alas-6:40 ng umaga sa Barangay Dalig 1, Antipolo City.

Sa report na inilabas ni PRO-4A regional director CSupt. Guillermo Eleazar tinambangan ng mga hindi pa nakilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo.

Kinilala ni Eleazar ang biktima na si Atty. PSupt. Ramy Tagnong, choef legal officer ng PRO-4A.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds sa katawan ang nasabing opisyal na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Sugatan din ang asawa nito na si Angela Tagnong, na nagtamo ng tatlong gunshot wounds sa kaniyang likod at isa sa kaliwang braso.