Arestado ang isang Police colonel sa isinagawang entrapment operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dahil sa paggamit ng sasakyang nakaw at kabilang sa National Alarm ng PNP Highway Patrol Group (HPG).
Kinilala ng PNP-IMEG ang suspek na pulis na si Lt. Col. Renato Banas Castillo na nakatalaga sa NCRPO Regional Personnel Holding and Accounting Section na naaresto sa Brgy Silangan, San Mateo, Rizal pasado alas-6:00 ng gabi kagabi.
Si Castillo ay kasalukuyang humaharap sa 30 days suspension dahil sa serious irregularities na may kinalaman sa kanyang trabaho ngunit kabilang sya ngayon sa mga pulis na schooling on line kahit suspended.
Sa operasyon nakuha sa kanya ang sasakyan, issued firearms ng PNP at isang cellphone.
Sa isinagawang validation at intelligence monitoring ng PNP IMEG, natukoy na July 17, 2020 nang simulang gamitin ni Col Castillo ang nakaw na sasakyan.
August 5, 2014 nang maireport sa PNP na ninakaw ang Toyota Innova na may plate number WKO-650 nang mismong may-ari na si Jonnel Sangalang pero sa latest verification ng PNP IMEG ang nasabing sasakyan ay may iba nang plate number ito ay AAM-3350 na para sana sa sasakyang ISUZU DMAX model.
Kasong paglabag sa The New Anti-Carnapping Law, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standard ang kinakaharap ni Castilo.