ILOILO – Nananawagan ang otoridad sa Hawaii sa mga pamilya na may nawawalang mga kamag-anak na magpasa ng deoxyribonucleic acid o DNA samples para makatulong na mabilis makilala ang mga patay sa wildfires.
Ayon sa Maui Police Department, nananatiling John at Jane Does muna ang higit 90 na mga patay at posibleng magtagal pa ang identification process kabilang na ang genetic testing at ang paghahambing sa dental record.
Sa ngayon ayon sa pulis, dalawang biktima pa lamang ang na-identify ng mga pulis.
Ayon naman kay Bombo Jerry Saludez, international correspondent sa Hawaii, base sa statement sang hepe ng Maui County, nasa 3% pa lamang ng disaster zone sa Lahaina sa Maui ang narating ng canine teams.
Ang init umano sa area ang dahilan kung bakit mabagal ang search at ang rescue dogs na na-ideploy para sa misyon na maghanap ng tinatayang higit 1,000 missing na mga residente.
Sa ngayon ayon kay Saludez, nangingibabaw ang Aloha Spirit sa Hawaii sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga tao.
Kabilang sa pangunahing kailangan ay ang tubig at ang ready-to-eat na mga pagkain para sa libu-libong mga residente na nawalan ng mga bahay dahil sa sunog.