-- Advertisements --

Pormal nang nag-assume bilang ika-22 chief ng Philippine National Police si Director General Oscar David Albayalde kapalit sa nagretiro sa serbisyo na si Gen. Ronald dela Rosa.

Pamumunuan ni Albayalde ang 190,000-strong police at non-uniformed police personnel.

Sa pag-upo sa puwesto ni Albayalde, pagdisiplina sa hanay ng PNP o internal cleansing ang siyang tututukan nito.

Nagbabala rin ito sa mga police scalawags na sangkot sa iligal na droga at iba pang kriminalidad dahil kanyang sisiguruhin na mananagot ang mga ito at masibak sa serbisyo.

Tiniyak naman ni Albayalde na magpapatuloy pa rin ang kanilang Oplan Double Barrel, imi-maintain nila ang momentum subalit magkakaroon ng ilang reform.

Isa rin sa mga ipapatupad na bagong programa ni Albayalde ay isailalim sa Special Action Force (SAF) training ang lahat ng mga pulis na ide-deploy sa iba’t ibang regional police offices sa bansa.

Nais ni Albayalde na magkaroon ng urban warfare training ang mga pulis.

Bibigyang pansin din ni Albayalde ang problema sa mga kulungan sa buong bansa na nasa mga police stations.