-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinasaringan ni South Cotabato Police Director Police Colonel Joel Limson ang ilang mga kasapi ng South Cotabato-Philippine National Police (PNP) na miyembro umano ng Kabus Padatuon (KAPA) investment scam na bawiin at tigilan na ang paglalagak ng pera rito.

Ito’y kasunod pa rin ng ipinalabas na mga advisories pati na ang pag-revoke ng license to operate ng KAPA at ng mga business connections nito.

Iginiit ni Colonel Limson sa pagharap nito sa mga kasapi ng PNP na bilang mga alagad ng batas, nararapat lamang na marunong ang mga ito nga magsaliksik at magberepika ng totoong mga impormasyon, kabaliktaran sa mga ipinapakalat na fake news ng KAPA.

Muling iginiit ng police director na anumang oras ay ipapatupad na nila na ang Cease and Desist Order base sa kautusan ng Securities and Exchange Commission.

Unang sinabi sa Bombo Radyo ni Col. Limson na maraming pulis ng South Cotabato ang pumasok sa nasabing investment scam.