-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na kanilang tinanggal at naibalik din agad ang police security na nakatalaga kay Senator Bong Go.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, na kanilang tinanggal ang mga police security ni Go at ilang mga authorized individuals dahil sa kautusan na rin ng director ng Police Security and Protection Group.

Noong unang linggo ng Hulyo ng pansamantalang inalis ang mga ito para sumailalim sa training.

May ilang kapulisan kasi ang nasasangkot sa moonlighting activities o may ilang ginagawang ibang trabaho bukod sa kanilang sinumpaang tungkulin kaya minabuti na isailalim sa mga ito sa re-training.

Matapos ang ilang linggo ay naibalik din ang police security ni Go at ilang mga otorisadong individual.

Magugunitang inamin ng senador na nauna pa siyang tinanggalan ng mga police escort bago kay Vice President Sara Duterte noong nakaraang mga linggo.