-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pumanaw na ang police escort ni Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. na si S/Sgt Jammar Pangandaman.

Si Pangandaman ang kabilang sa tatlong guwardiya ni Mayor Pangandaman na nasugatan matapos ang nangyaring pananambang sa Buadiposo, Buntong Lanao del Sur kahapon.

Sa panayam ng zsinabi ni Lanao del Sur Provincial director Col. Madzghani Mukaraam na binawian ng buhay si Pangandaman habang ginagamot sa Amay Pakpak Medical Center sa Marawi City dahil sa dami ng tama nang bala sa kanyang katawan.

Patuloy ring ginagamot sa ospital ang dalawa pang civilian escort ng alkalde na sina Jamal Pangandaman at Casnoding Mangandog na may mga tama rin sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon kay Col. Mukaraam, dalawang anggulo ang kanilang tinututukan na posibleng motibo sa pananambang na kinabibilangan ng rido sa pamilya at away sa pulitika.