-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagsuko ng police general na sangkot sa drug operation sa lungsod ng Maynila noong 2022.

Si Police Lieutenant General Benjamin Santos Jr ay boluntaryong sumuko sa Regional Trial Court Manila Branch 44 at ito ay naghain ng P200,000 na piyansa.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na nitong 4:48 ng umaga ng sumuko ito sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Binasahan siya ng kaniyang warrant of arrest at dumaan din ito sa normal procedures.

Dakong alas 9 ng umaga ng makalabas na ito matapos ang pagbabayad niya ng piyansa.

Bago nito ay nagpasa na ng surrender feelers ang abogado nito sa CIDG.

Nasa kabuuang 21 aktibong at dating police officers ang nasa kustodiiya na ng PNP na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug operation noong 2022.

Nasa 30 kapulisan ang sinampahan ng panel of prosecutors dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 kung saan sa 30 na kinasuhan ay 29 sa mga dito ay mayroong warrant of arrest.

Kabilang sa mga kaso ay ang pagtatanim ng ebidensiya at pagdelay para sa prosecutions ng drug cases.