Pumanaw na ang isa sa apat na police generals na nasangkot sa chopper crash nuong buwan ng Marso sa Laguna.
Kinumpirma ni PNP Chief General Camilo Cascolan na namatay na si Major General Jovic Ramos matapos ang halos pitong buwang pagkaka comatose sa ospital.
Si Maj . Gen. Ramos ay naging kritikal matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang helikopter sa Laguna kasama si dating PNP Chief General Archie Gamboa, at iba pang opisyal ng PNP na nakaligtas sa aksidente.
Mismong si PNP Chief Camilo Pancratius Cascolan ang nag kumpirma na pumanaw na nga si Maj. Gen. Ramos.
Ayon kay PNP Spokesperson Col Ysmael Yu, madaling araw kanina, October 20, binawian ng buhay si Ramos sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.
Si Ramos ay miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986, mistah ni PNP Chief Cascolan, dating PNP chief Gen Archie Gamboa, Oscar Albayalde at Senator Ronald Dela Rosa.
Sinabi ni Yu, nalungkot si PNP chief maging ang buong PNP organization sa pagpanaw ng isa sa kanilang mga heneral.
Agad namang na cremate ang labi ng pumanaw na heneral na dinala sa Eternal Gardens sa Sta Rosa, Laguna.
Si Ramos at si MGen. Mariel Magaway ang nasa kritikal na kondisyon matapos bumagsak ang sinasakyang chopper, sa ngayon stable na ang kondisyon ni Magaway.
Sina dating PNP chief Gamboa, aide-de-camp nito na si Capt. Kevent Gayramara at dating PNP spokesperson BGen. Bernard Banac ang unang nakalabas ng hospital.
Na discharged na rin sa hospital ang dalawang piloto na sina Lt Col. Roel Zalatar at Rico Macawili at Senior Master Sgt Luis Estonia.
Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang imbestigasyon hinggil sa insidente.
Ang pahayag ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan.
” On behalf of the Philippine Military Academy “Sinagtala” Clas 1986, it is with a heavy heart that I join the officers and personnel of the Philippine National Police in prayer and mourning over the passing of Police Major General Jose Victor Ramos at 12:07AM today after a long hard battle due to serious injuries he sustained during that fateful helicopter accident in San Pedro, Laguna on March 5, 2020. His remains were cremated for further memorial services.
He will be accorded full honors befitting a police general.”