-- Advertisements --

Patay ang isang police inspector matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa may Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Police Inspector Ernesto Vega Eco, 39-anyos, residente ng Country Homes Subdivision, Brgy. Putatan, Muntinlupa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, na minamaneho ng biktimang pulis ang kanyang sasakyan sa may National Road nang bigla siyang tabihan ng riding-in-tandem.

Dahil sa matrapik sa lugar kaya halos nakahinto sa daan ang mga sasakyan.

Kinatok pa umano ng mga suspek ang sasakyan ni Eco at ng buksan nito ang bintana, agad itong binaril.

Pahayag ng isang witness na nakarinig siya ng limang putok.

Inihayag din nito na ang isa sa nakasakay sa motorsiklo ay tila babae batay sa hugid ng katawan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon at inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Sa kabilang dako, inihayag ng Muntinlupa police na nakatakda sanang ire-assigned sa Maguindanao si Eco.

Hindi naman masabi kung ano ang dahilan bakit ire-reassigned si Eco sa ARMM.