-- Advertisements --
PNP new lucena Iloilo

ILOILO CITY – Nasa kustodiya ng New Lucena Police Station sa Iloilo ang isang pulis matapos nagpaputok umano ng kanyang service firearm sa Barangay Bita-og Gaja, New Lucena, Iloilo.

Ang pulis ay kinilalang si Staff Sergeant Agar Octaviano, imbestigador ng New Lucena Municipal Police Station.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Rodel Umahag, imbestigador ng New Lucena Municipal Police Station, sinabi nito na nagkaroon umano ng alitan ang pulis at si Andy Somido dahil sa away sa lupa.

Ayon kay Umahag, pinagtulungan umanong bugbugin si Octaviano nina Somido at ng kanyang mga kasama.

Nang nagising, dito na at tinangkang managa ni Octaviano at nagpaputok ng baril.