-- Advertisements --
Inaresto ang isang police officer matapos umanong gamitin ang P500,000 na halaga ng buy bust money para sa online sabong.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, kasalukuyang nakakulong na ang naturang pulis na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa Manila Police District (MPD) at humaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling at estafa.
May ranggong police lieutenant ang naarestong police officer.
Sinabi pa ni Fajardo, maliban pa sa kinakaharap na criminal case, may kakaharapin din ang pulis na administrative case dahil sa malversation of government funds matapos na gastusin umano ang perang nakalaan para sa anti-illegal drugs operations ng kapulisan na nasa kaniyang pag-iingat.