-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nang magbaril sa kanyang sarili sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala itong si Police Major Kristian Ace Palmes Sularte,35 anyos,binata at nakatalaga sa PNP-11 Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na nagbaril umano si Sularte sa kanyang sarili sa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa harap ng bahay ng kanyang magulang sa Purok Osmena Brgy Poblacion Bagumbayan Sultan Kudarat.

Agad dinala si Sularte ng kanyang pamilya sa isang pagamutan sa Isulan Sultan Kudarat ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Sa imbestigasyon ng Bagumbayan Municipal Police Station (MPS) na nakuha nila sa loob ng kotse nang biktima ang kanyang baril na ginamit nito para kitilin ang kanyang sariling buhay.

Marami ang naniniwala na posibleng may malaking problema ang opisyal o depresyon sa sarili kaya nagawa nitong barilin ang kanyang sarili.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bagumbayan PNP para matiyak na walang foul play sa pagkasawi ni Major Sularte