-- Advertisements --

May priority list na ang Philippine National Police (PNP) sa mga babakunahan laban sa COVID 19.


Batay sa ipinakitang presentasyon ng PNP Health service, mga PNP medical frontliner na nakadeploy sa Hospital, Quarantine Facilities at Swabbing facilities ang unang mga mababakunahan.


Prayoridad din nila ang Medical Reserve Force, Reactionary Standby Support Force at mga contact tracer.


Kasunod nito, tuturukan naman ang mga tauhan ng PNP na matatanda na.


Susundan ng mga key officer sa operational at administrative unit at mga pulis sa Quarantine control.points at mga checkpoint.


Panghuli naman sa mga listahan ang nalalabing technical personnel.

Samantala, sinabi naman ni PNP Director for Operations Police BGen

Alfred Corpus na nakahanda na ang kanilang security plan sa COVID 19 rollout para matiyak na magiging tagumpay ang vaccination program ng pamahalaan.