-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga pulis na sinasabing sangkot sa P2-bilyon investment scam na “Pulis Paluwagan Movement.”

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Lt. Col. Aldrin Gonzales ng Police Regional Office-12 na naihain na sa prosekusoyn ng Regional Investigation and Detective Management Division ang ilang dokumento laban sa umano’y “inner core” ng mga pulis na sangkot sa kontrobersya.

Batay sa ulat, ilang opisyal ng regional PNP ang nasa kustodiya ngayon ng Camp Crame dahil sa pumutok na issue na nangyari umano sa loob ng Camp Fermin Lira.

Samantalang ang ibang pulis na dawit umano sa scam ay hawak ng regional police office sa General Santos City.