-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng pambansang pulisya ang lumabas na ulat na may isa pang mataas na opisyal ng PNP ang umano’y kasabwat ni PSupt. Maria Cristina Nobleza na nakikipag sabwatan at nagsisilbing protektor ng teroristang Abu Sayyaf.

Tinutukoy na ngayon ng PNP ang nasabing police official.

Plano namang kausapin ni PNP chief PDGen Ronald Dela Rosa si Supt. Nobleza na kasalukuyang nakakulong na sa PNP Custodial Center  dito sa Kampo Crame.

Hindi natuloy ang pag prisinta sa mga miyembro ng media kahapon kay Nobleza at sa boyfriend nitong si Rennour Lou Dongon dahil naging abala si PNP chief kaugnay sa pag-uumpisa ngayong araw ng ASEAN Summit.

Kahapon dumating sa Metro Manila si Supt. Nobleza kasama ang kaniyang boyfriend na Abu Sayyaf member.

Sa ngayon nadagdagan pa ang kasong kriminal na isinampa laban sa police colonel gaya ng obstruction of justice,disobedience to a person in authority.

Una ng sinampahan ng kaso si Nobleza ng illegal possession of firearms, harboring criminals at conspiracy to commit terrorism.

Samantala, kinumpirma naman ni PRO-7 regional police director CSupt. Nolie Talino na kanila na ring iniimbestigahan ang dating asawa ni Nobleza na si SSupt. Alan Nobleza na siyang police attache sa Pakistan.

Kwento ni Talino na 2010 pa annuled ang kasal ni Nobleza at taong 2013 ng magkakilala sila ni Rennour Lou Dungon habang nasa PAOCC pa ang police official at nakakulong naman sa Kampo Crame ang bandidong Abu Sayyaf na experto sa paggawa ng bomba.