Nauwi sa putukan ang naging sagupaan sa pagitan ng mga otoridad at pulis matapos silang palibutan ng mga ito at palayain ang isa sa mga anak ng drug lord na si Joaquin ‘El Chapo’ Guzman.
Ayon kay Security Minister Alfonso Durazo, inatake ang patrol ng National Guard mula sa isang bahay sa siyudad ng Culiacan na may layong 600 km (370 miles) Hilagang-Kanluran ng Mexico.
Nangyari ang pag-atake matapos pasukin ng mga otoridad ang nasabing bahay kung saan natagpuan dito ang apat na lalaki. Kasama rito si Ovidio Guzman na inakusahan dahil sa pagiging konektado nito sa malawakang drug trafficking sa United States.
“The decision was taken to retreat from the house, without Guzman to try to avoid more violence in the area and preserve the lives of our personnel and recover calm in the city,” saad ni Durazo.
Dahil dito, mas lalo umanong na-pressure si President Lopez Obrador na tuparin ang kaniyang pangako na kontrolin ang problema ng Mexico sa droga.