Ni-relieved sa kaniyang pwesto bilang Police Provincial Director (PPO) ng Lanao del Sur na si Pol. S/Supt. Oscar Nantes.
Sa report na nakuha ng Bombo Radyo, itinalaga bilang officer-in-charge (OIC) ng Lanao del Sur-PPO ay si P/Supt. Restituto Lacano kapalit ni Nantes.
Sinabi P/Supt. Lacano na habang hinihintay ang isang mas qualified na provincial police director ay siya muna ang mangangasiwa bilang OIC.
Ayon naman sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), ang pagkaka-tanggal ni Nantes ay dahil magkakaroon ito ng bagong posisyon sa PNP habang malaking challenge naman para kay Lacano.
Kailangan lang aniya ng bagong opisyal na mamuno sa Lanao del Sur PPO.
Sa ngayon kasi nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng militar laban sa mga teroristang Maute sa Marawi City.
Samantala ayon naman kay PNP Spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, may report nga na inalis sa puwesto ang provincial director ng Lanao del Sur.