-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine National Police PRO – 11 na maaaresto nila ngayong araw ang nagtatagong puganteng pastor na si Apollo Quiboloy at ang mga kapwa akusado nito.

Ayon kay PBGen. Nicolas Torre III, patuloy ang kanilang paghahanap sa loob ng KOJC compound sa paniniwalang nasa loob nito ang nagtatagong pastor.

Nanawagan rin ito kay Quiboloy na sumuko na at huwag nang pahirapan ang kanyang mga supporters at tagasunod.

Sa ngayon bantay sarado ng pulisya ang buong paligid ng compound habang isisilbi ang warrant of arrest laban sa mga akusado.

Sinabi pa ni PBGen. Nicolas Torre III na sa ngayon ay payapa silang nakakagalaw sa loob ng compound ng KOJC.