-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Police Regional Office-7 na prayoridad ang kampanya laban sa iligal na droga upang maiwasan o mapigilan ang anumang krimen.

Inihayag ni PRO-7 spokesperson PLt Col Gerard Ace Pelare na nauugnay umano ang pagsasagawa ng krimen sa iligal na droga at kanyang inihahalimbawa na ang mga drug personalities rin ang gumagawa ng mga krimen.

Sinabi pa ni Pelare na kapag paigtingin pa nila ang kampanya laban sa iligal na droga ay maiiwasan at bababa pa umano ang mga naitatalang krimen.

Ayon pa sa kanya kabilang sa mga laganap na krimen sa rehiyon ay ang theft, robbery, at physical injury.

Binigyang-diin pa nito na sa huling quarter ng 2023, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng rape, gayunman, nagkaroon ng 32% na pagbaba nito dahil pa sa pagpukos ng pulisya kung paano ito maiwasan sa pamamagitan ng kanilang mga programa ay hindi na umano ito laganap ngayon.

Samantala, inamin naman nito na mabagal ang pag-unlad at nananatili umano sa tri-cities ang kanilang hamon sa drug-clearing operations.

Iginiit pa nito kung gaano sila ka-agresibo sa rehiyon sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga ay makikinabang din dito ang ibang rehiyon ng bansa.