-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ng Police Regional Office-7 na handa sila sa pagpapatupad ng seguridad sa darating na Palarong Pambansa 2024 nitong lungsod ng Cebu.

Inihayag ni PRO-7 spokesperson PLt Col Gerard Ace Pelare na nagkaroon sila ng close coordination sa Department of Education, Pamahalaang lungsod ng Cebu at sa iba pang local government units na may mga venue para sa ibang mga laro.

Sinabi pa ni Pelare na nasa 2,000 ang inisyal na bilang ng ipapakalat na tauhan ng pulisya.

Ayon pa nito na focus ng kapulisan sa rehiyon ang mga venues at mga billeting areas upang mapanatili ang kaligtasan ng mga atleta at delegado at maiwasan ang anumang krimen.

Magpapakalat din umano ng mga pulis sa mga areas of convergence gaya ng mga tourist destinations dito dahil inaasahan na rin nila ang pagdagsa at pagbisita ng mga pamilya ng mga atleta.

Dagdag pa nito na wala naman umano silang namonitor na banta na maaaring makahadlang sa aktibidad ngunit hindi naman nila inalis ang posibilidad ng paglitaw ng mga petty crimes.