-- Advertisements --
image 246

Malaki ang tiwala ng mga Dabawenyo sa Police Regional Office (PRO) 11.

Ito’y base sa survey na inilabas ng Mindanao Development Authority kung saan nakakuha ng trust rating na 91% ang PRO 11, habang 90% naman sa respect index, at 92% sa safety index.

Ayon pa sa MINDANAO, mataas ang kumpyansa at tiwala ng mga Dabawenyo sa kapulisan ng PRO XI sa usaping pang-seguridad sa rehiyon.

Labis naman ang pasasalamat ni PRO 11 Regional Director Benjamin Silo Jr. sa ahensya lalo na kay MINDA Chairperson Secretary Mabel Sunga Acosta sa pagsasagawa ng nasabing survey.

Nagpapasalamat din ang direktor sa lahat ng Dabawenyo na nagtiwala at patuloy na sumusunod sa mga alintuntunin ng kapulisan.

Nangako rin ang kapulisan na mas pagbubutihin pa nito ang patuloy na pagseserbisyo at pagprotekta sa lahat ng mga residente sa ilalim ng kanilang kampanyang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr.