GENERAL SANTOS CITY – Nakalagay na sa isolation habang nasa stable na kondisyon ang labing limang pulis na myembro ng Polomolok Municipal Police station matapos nagpositibo sa coronavirus disease.
Ito ang sinabi ni P/Capt Rommel Hitalia, deputy chief for administration sa nasabing bayan.
Ayon pa nito na isang pulis ang pinagmulan ng virus na nakahawa sa mga kasamahan .
Dahil dito temporaryong sinarahan muna ang admin office at wala munang pagrelease ng mga police record habang ginagawa ang pag dissinfect sa presento para maiwasan ang pagdami ng virus.
Nilinaw din ni Hitalia na ang mga nagpositibu na mga personahe ay nadestino sa admin office kayat nagpatuloy pa rin ang pagresponde sa mga Pulis sa ano mang tawag mula sa mga residente.
Nalaman na sa nasabing bayan nag operate ang Nilong Maguid Group na sumusuporta sa terroristic activities ng Dawlah Islamiyah.