-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakatakdang isailalim sa cleaning and disinfection operation ang isang stasyon ng pulisya sa lungsod ng Cotabato.

Itoy matapos tatlo sa mga preso ng Police Station 2 ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang nakitaan ng sintomas ng Coronavirus Disease (Covid-19) kayat sinailalim ito sa swab test at doon nakumpirma na silay nagpositibo.

Nilockdown agad ang presinto 2 at dinala sa covid ligtas center ang tatlo habang sumailalim sa mandatory quarantine ang 28 pulis kabilang na ang hepe nasi Captain Rustom Pastolero.

Pansamantalang nakahimpil ang PP2 sa tabi ng Barangay Hall ng RH. Mother sa lungsod habang isinailalim to sa cleaning and disinfection.