GENERAL SANTOS CITY – Pansamantalang isinara sa publiko ang Bula Police Station sa lungsod ng General Santos matapos nagpositibo ang isang inmate sa swab test.
Ayon PMaj. Rexor Canoy na simula nitong araw ipinagbabawal muna ang pagtanggap ng mga reklamante at pagbisita sa nasabing presinto habang inilagay sa isolation facility ang mga tauhan nito sa loob ng 14 days.
Dahil sa lockdown, idineploy ang mga tauhan ng City Mobile Force Company na ipinadala ni OIC City PNP Director Col. Gilbert Tuzon bilang augmentation force.
Ayon kay Tuzon, magpapatuloy pa rin ang anumang transaksyon na gagawin sa ibang area.
Sa kabilang dako, mahigit isang linggo na ring naka-lockdown ang City Population Management Office matapos na 18 personahe nito ini-isolate matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan rito.
Sa pinakahuling data na inilabas ng DOH tracker team, pumapangalawa ng GenSan sa may pinakamaraming coronavirus cases na aabot sa 267 habang 117 ang nakarekober at walo ang namatay.