ILOILO CITY – Isinailalim sa partial lockdown ang Lapaz Police Station sa Iloilo City matapos nagpositibo sa COVID-19 ang limang mga pulis at tatlong bilanggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PMaj. Edfel Balibadlan, station commander ng La Paz Police Station, sinabi nito na naka-strict home quarantine ang mga infected na police personnel ngunit may isang admitted sa ospital dahil nagpakita ini ng mga sintomas.
Ang tatlong preso naman ay nananatili sa La Paz police station ngunit sa hiwalay na selda.
Ayon kay Balibadlan, nakatakda ring isailalim sa RT-PCR test ang iba pang mga police personnel ng estasyon ayon sa naging rekomendasyon ng Iloilo City Health Office.
Nag-ugat ang kaso noong Enero 8 matapos na inihatid ng dalawang pulis ang isang PDL sa Iloilo City District Jail Male Dormitory sa Ungka, Jaro, Iloilo at nang isinailalim sa swab test, nagpositibo sa virus ang ang nasabing preso.