-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ni-lockdown ang Arevalo Police Station sa Iloilo City matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang apat na mga preso.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Chen Tañagras, hepe ng Arevalo Police Station, sinabi nito na dinala sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang anim na mga preso kabilang ang dalawang babae at dalawang lalaki.

Nang isinailalim sa swab test, nagpositibo sa COVID-19 ang apat na babaeng preso.

Kaagad namang dinala sa isolation facility ang mga pulis na kanilang naclose contact.

Isasailalim naman sa swab test ang lahat ng mga pulis at preso sa nasabing istasyon.