-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ni-lockdown ang Estancia Municipal Police Station sa lalawigan ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Aldren Lamera, hepe ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na nagpositibo ang index case na pulis na nakadestino sa kanilang himpilan.
Ayon kay Lamera, ang nasabing pulis ay nahawaan ng kanyang misis na nagtatrabaho sa isang hindi binanggit na munisipyo.
Dahil naka-close contact niya ang 20 mga personnel, kaagad silang isinailalim sa swab test naka-quarantine ngayon sa loob ng police station.
Tiniyak naman ng hepe na patuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng pangyayari.