-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na preso sa isolation facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dumangas, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Rowena Jovero, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, sinabi nito na ang nasabing mga preso ay nagmula sa kanilang istasyon ay kakalipat lang sa BJMP Dumangas.

Ayon kay Jovero, 35 katao ang isasailalim sa swab test matapos naclose contact ng nasabing mga preso.

Sa nasabing bilang, 20 ang personnel ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, tatlo ang non-uniformed personnel, lima ang preso , isa ang sibilyan at lima ang augmented personnel.

Sa ngayon, naka lockdown ang Barotac Nuevo Municipal Police Station.