-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang paglusob ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Highway Police Assistance Desk (HIPAD) ng Brgy. Bancal, Alimodian, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Iloilo Police Provincial Office director Col. Marlon Tayaba, na tuloy tuloy ang pagtugis ng kanilang hanay sa mga itinuturong salarin.
Nauna ng inako ng Napoleon Tumagtang Command ng NPA ang pag-atake.
Batay sa ulat, anim na pulis sa istasyon ang dinisarmahan ng mga rebelde.
Ginapos din umano ng mga NPA si Cpl. Janjan Anaya na pinuno ng nilusob na tanggapan.
Agad naman daw tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.