-- Advertisements --

Niyanig ng dalawang magkasunod na pagsabog ang Kampala, central business district ng Uganda.

Naganap ang pagsabog malapit sa central police station at ang entrada ng parliament building.

Aabot sa 24 katao ang nasugatan sa nasabing pagsabog.

Inaalam pa ng mga otoridad kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing pagsabog.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay sumabog ang isang bus na national highway ng Kampala na ikinasawi ng isang babae.