-- Advertisements --
image 441

Nais ngayon ng National Captial Region Police Office (NCRPO) na mas palakasin pa ang police visibility sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay National Captial Region Police Office Chief Police Major General Edgar Allan Okubo, ang hakbang ay upang mas mapaigting pa ang pagsugpo sa krimen sa mga barangay communities sa Metro Manila.

Aniya, nais din nilang buhayin ang revitalized police sa barangay program para mas mabilis na makaresponde sa mga komunidad sa anumang krimen na magaganap sa bawat barangay.

Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong so Okubo sa mga district directors ng NCRPO para sa naturang programa.

Dagdag pa ni Okubo, isa itong istratehiya para sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad.