-- Advertisements --

covid1

Palalakasin ng PNP Joint Task Force COVID Shield ang police visibility sa mga tambayan sa mga Barangay na nakaka-abala sa mga online learners.


Ito ay sa harap ng pagsisimula ngayong araw ng online classes para sa mga public schools nationwide.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar, may presenya ng mga pulis sa mga komunidad para sawayin ang mga maiingay na tambay nang sa ganun hindi makaistorbo sa mga estudyante na nag-aaral sa bahay.

Nakipag ugnayan na rin ang JTF COVID Shield sa mga Local Government Units (LGUs) para istriktong maipatupad ang mga ordinansa katulad ng pag-iinuman sa mga labas ng bahay o kanto, pagbabawal sa pagbi videoke lalo na sa oras na may online classes.

Giit ni Eleazar kailangan nila dito ang tulong ng mga Barangay officials para matulungan ang mga online learners na makapag focus sa kanilang pagaaral kahit nasa bahay lang.

Inatasan din ang mga police commanders na tiyakin ang presensiya ng mga pulis sa mga komunidad.

covid2

Tig dalawang pulis ang idi-deploy sa bawat barangay para umasiste sa mga barangay tanods na siyang magpapatrulya sa mga kalye ng komunidad.

Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan pinatitiyak nito ang police visibility sa mga paaraalan at ang pagtalaga ng mga help desk na mamanduhan ng dalawang police personnel.

Nakatutok din sa ngayon ang PNP Anti-cybercrime na nagpapatrulya sa cyber space para tutukan ang mga cyber-bullying cases.