-- Advertisements --

Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, mahigpit ang magiging koordinasyon sa pagitan ng local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) sa sandaling umiiral na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manil na magsisimula bukas August 6.

Ayon sa kalihim, hiniling ng mga alkalde na dagdagan ang pwersa ng mga kapulisan na madi-deploy sa ibat ibang vaccination sites, ayuda distribution points, at maging sa mga borders ng bawat siyudad para matiyak na nasusunod ang minimum public health standards at community quarantine protocols.

Ang mga magpapa bakuna ay maituturing na authorized persons outside of residence (APOR).

Una ng sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaring gawin ng LGUs na manual o face to face ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ma ECQ-affected residents.

” It’s the Mayors that requested more PNP officers to be deployed in vaccination sites, ayuda distribution points and along the borders to enforce the public health standards and community quarantine protocols.

There will be closer coordination between the LGUs and PNP during the ECQ implementation,” mensahe ni Sec Ano.

Samantala, pina-alalahanan naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr., ang mga residente sa Metro Manila na nagbabakasyon sa karatig probinsiya na hanggang ngayong araw, Huwebes August 5 ay binibigyan sila ng pagkakataon para makauwi sa kani-kanilang tahanan at maiwasan ang anumang mga inconvenience.

Sinabi ni Danao, simula bukas Biyernes, mas mahigpit na quarantine control points sa mga border sa Metro Manila at karatig probinsiya ang itatatag ng PNP habang striktong ipatutupad ang curfew hours mula alas-8 ng gabi hanggang alas- 4 ng madaling araw.