-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Ipinasakamay na sa PNP Echague, Isabela ang isang policewoman na kusang sumuko dahil sa pagpatay sa kanyang asawa nitong Abril.

Sinabi ni PCapt. Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana na dinala nila si PSSgt.Marilou Alingog sa PNP Echague kung saan isinampa ang kasong murder kaugnay sa pagpatay sa kanyang asawa na si Plt.Danny Alingog.

Ayon kay Balisi, si Marilou ang kinasuhan ng PNP dahil sa araw na pinatay ang biktima ay nagkausap pa umano ang dalawa sa cellphone batay sa nakitang call logs.

Ilang taon na ring hiwalay ang mag-asawa nang maganap ang pagbaril patay sa biktima sa isang sabungan sa Echague.