-- Advertisements --

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. lldebrandi Usana na nasa kustodiya na ng Malabon Police Station ang babaeng pulis na nahuling nagpaputok ng kaniyang baril sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Usana, patuloy ang kanilang imbestigasyon kung bakit nagpaputok ng kaniyang baril ang suspek na si Police Staff Master Sargeant Karen Borromeo ngunit may lumabas na report na nakainom umano ito.

Usana PNP spox
PNP spokesperson Brig. Gen. lldebrandi Usana

Aniya, isinuko na ng nasabing police ang kaniyang baril at nahaharap ito sa dismissal proceedings.

Nauna nang sinabi ng PNP na naging generally peaceful ang pagdiriwang ng bagong taon kahit paman sa mga naitalang indiscriminate firing at stray bullets. (with report from Bombo Jane Buna)