-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang panibagong kaso ng polio sa Pilipinas matapos ang 19-taon na pagiging malaya ng bansa mula sa naturang sakit.

Batay sa ulat ng DOH, isang kaso ang naitala sa Lanao del Sur matapos mag-positibo sa polio ang isang tatlong taong gulang na batang babae.

Bukod dito, may pinaghihinalaang kaso din daw ng acute flaccid paralysis na binabantayan ang kagawaran.

Natukoy ng DOH na may presensya ng poliovirus sa sample ng mga sewages sa Maynila at waterways sa Davao matapos mag-positibo sa test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kinumpirma naman ito Japan National Institute for Infectious Diseases at United States Centers for Disease Control and Prevention.

Sa ngayon patuloy daw ang pakikipag-tulungan ng DOH sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno, kasama ang World Health Organization para masugpo ang pagkalat ng sakit.

Kung maaalala, taong 2000 nang ideklara ng WHO na polio-free ang Pilipinas.

“We strongly urge parents, health worker and local governments to fully participate in the synchronized polio vaccination,” ani Health Sec. Francisco Duque III.

“It is the only way to stopn the polio outbreak and to protect your chiled agains this paralyzing disease.”

“Aside from immunization, we remind the public to practice good personal hygine, wash their hands regularly, use toilets, drink safe water, and cook food thoroughly.”