-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa bansa si Polish Foreign Affairs Minister Radosław Sikorski.

Gaganapin ang pagtungo nito mula Setyembre 3 hanggang 5 kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagtaguyod ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Poland.

Ang pagbisita ay bahagi ng official travels ni Sikorsk sa Southeast Asia.

Makakapulong nito si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung saan tatalakayin nila ang pagpapalakas ng relasyo ng Pilipinas at Poland.

Ito ang unang stand-alone na pagbisita sa Pilipinas ng Foreign Minister ng Poland.