-- Advertisements --

Ibinebenta sa auction ni Polish javelin thrower Maria Andrejczyk ang kaniyang Tokyo Olympic silver medal.

Gagamitin niya umano ito sa operasyon sa puso ng kaniyang walong buwan na anak.

Ito ang unang Olympic silver medal ng 25-anyos.

Sa kaniyang social media na ito ang kaniyang naisip na paraan para makalikom na pondo sa operasyon sa puso ng anak nitong si Miloszek Malysa.

Nangangailagan kasi ito ng nasa $383,000 para maoperahan ang anak sa Standford, California.

Nakaipon na siya ng kalahati at kulang pa ng kalahati ang kaniyang pera kaya ito ang kaniyang paraan para makalikom ng pondo.

Nabili naman ng may-ari ng supermarket sa Poland ang nasabing medalya sa halagang $125,000.

Magugunitang pumangalawa lamang si Andrejczyk sa nasabing Olympics na ang nanguna ay si Liu Shiying ng China.