-- Advertisements --

Nagkumahog ang Poland matapos dumaan sa kanilang airspace ang mga fighter jets ng Russia.

Ayon sa Polish military, agad nilang inactivate ang kanilang fighter jets para maprotektahan ang kanilang airspace.

Dumadaan kasi sa kanila ang fighter jets ng Russia habang umaatake ang mga ito sa Ukraine.

Dagdag pa namg Operational Command ng Poland, nakabantay sila sa nasabing aktibidad ng Russia laban sa Ukraine.

Magugunitang pinaigting ng Russia ang kanilang atake sa Ukraine kung saan naglunsad sila ng pinakamalaking missile attack na ikinasawi ng maraming sibilyan sa Ukraine.