-- Advertisements --
20210215 200535 1

Nakatakda nang ilipat sa Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City ang 52-anyos ang Polish national na wanted sa kanilang bansa ng sexual offenses sa mga menor de edad.

Ayon kay Fugitive Search Unit (FSU) Bobby Raquepo ang suspek ay kinilalang si Dariusz Zygmunt Ziolkowski, lalaki na naaresyo ng BI at Siquijor Police Provincial Office, Siquijor municipal police station (MPS) at Barangay Candanay Sur, Siquijor, Siquijor.

Nakatanggap daw ang BI ng official communication mula sa Polish authorities para sa banyaga na mayroong standing warrant of arrest sa Poland.

Base sa record ng BI, si Ziolkowski ay may arrest warrant dahil sa paglabag nito sa Polish laws na inisyu ng District Court ng Wroclaw Fabryczna, Poland noong 2018 na may kinalaman sa sexual offenses against minors.  

Mayroon ding inilabas ang Europe na warrant of arrest laban sa suspek noong September 2020.

“We have received official communication from Polish authorities informing us of his standing warrant of arrest,” ani Raquepo.

Sinabi naman ni BI Commissioner Jaime Morente, na noong nalaman nila ang mga kasong kinasasangkutan ni  Ziolkowski ay agad silang nag-isyu ng mission order para arestuhin ang banyaga.

Binigyang diin ni Morente na hindi welcome sa Pilipinas ang mga foreign nationals na target ang kahinaan ng mga bata na posible nilang biktimahin.

Nangako naman si Morente na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga foreign counterparts para maaresto ang mga puganteng foreign nationals na mayroong kaso sa kanilang mga bansa.

“Predators targeting the vulnerabilities of our children are not welcome in this country. We are in close coordination with international law enforcement agencies and foreign counterparts in our active search for these criminals, so we may weed them out from our land,” ani Morente.

Sa ngayo, pansamantalang nakaditine ang banyaga sa Siquijor Municipal Police Station habang hinihintay ang resulta ng kanyang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) RT-PCR test bago ilipat dito sa Metro Manila.