-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Polish President Andrzej Duda.

Ayon sa kaniyang chief of staff na si Pawel Szrot na walang anumang malalang sintomas ito at patuloy na naka-isolate.

Nakatanggap na rin ito ng tatlong dose ng COVID-19 vaccines noong Abril, Hunyo at Disyembre.

Nitong Miyerkules kasi ay nagtala ang health ministry ng bansa ng 17,196 na kaso ng COVID-19.

Isa ang Poland na may pinakamababang vaccination rates sa Europa na mayroon lamang 63 percent.