-- Advertisements --

Patuloy ang pagdominina ni Polish tennis star Iga Swiatek sa Women’s Tennis Association rankings.

Sa pinakahuling rankings na inilabas ng WTA ay nasa unang puwesto ito matapos na magtala ng kabuuang 10485 points.

Nasa pangalawang puwesto naman si Aryna Sabalenka na mayroong 6100 habang nasa pangatlong puwesto si Ons Jabeur na mayroong 5210 points. at pang-apat naman na puwesto si Jessica Pegula.

Hindi naman nakasama sa top 20 rankings si Annett Kontaveit ng Estonia na nasa pang-27 ang puwesto nito ngayon.

Nabigo kasi si Kontaveit sa round of 16 ng Abu Dhabi tennis tournament noong nakaraang linggo.