-- Advertisements --

Pasok na sa fourth round ng US Open si world number 1 Iga Swiatek.

Ito ay matapos na talunin niya si Lauren Davis ng US.

Nakuha ng Polish tennis star ang 6-3, 6-4 na panalo para tuluyang makapasok sa fourth round sa dalawang sunod na taon.

Mula sa simula ay dominado ni Swiatek ang laro.

Susunod na makakaharap nito si Jule Niemeier ng Germany.