-- Advertisements --
Pinatawan ng isang buwang suspensiyon ang Polish tennis star na si Iga Swiatek.
Kasunod ito ng pagpositibo niiya sa ipinagbabawal na substance.
Ayon sa International Tennis Integrity Agency (ITIA) na maluwag naman na tinanggap nito ang nasabing kaparusahan.
Dagdag pa nila na nakita sa katawan ng five-time grand slam winner ang pagpositibo niya ng trimetazidine.
Tinanggap din nila na ang sanhi ng nasabing pagpositibo sa nasabing substance ay mula sa contamination ng regulated non-prescription medication na (melatonin) na madalas na ibinebenta at nabibili sa Poland.
Iniinom umano ni Swiatek ang nasabing gamot tuwing may jet lag ito at tuwing hirap siya sa pagtulog.