-- Advertisements --
Ininunsiyo ni tennis star Iga Swiatek na kaniyang ibibigay bilang donasyon bilang suporta sa World Mental Health Day ang $50,000 na kaniyang premyo mula sa BNP Paribas Open sa Indian Wells.
Pasok na kasi sa last 16 ang world number 4 tennis player ng talunin si Veronika Kudermetova ng Russia.
Dagdag pa ng Polish tennis star na mahalaga ang nasabing tulong para malabanan ang mental health ng isang tao.
Ipinagdiwang ang World Mental Health Day nitong Oktubre 10 kung saan maraming mga atleta at artista ang naglunsad ng kampanya para mapataas ang awareness.