-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Naniniwala si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez na nagkaroon ng “setback” ang mga magagandang polisiya na sinimulan ng administrasyong Duterte dahil sa coronavirus pandemic.
Sinabi ni Jimenez sa Bombo Radyo Legazpi, krisis at giyera ang hinakaharap ngayon kaya naapektuhan ang “gains” ng apat na taon na kampanya ni Duterte.
Partikular na ipinunto ng opisyal ang laban kontra sa iligal na droga kung saan ilang personalidad ang nakabalik sa transaksyon.
Dagdag pa ni Jimenez na hindi maiiwasan ang sitwasyon dahil maging ang Estados Unidos aniya na isa sa makapangyarihang bansa sa mundo, ay nangunguna sa tinamaan ng naturang sakit.